Submit Your Entries

Print Entry
TV Entry
Photo Entry
Radio Entry
Online Entry

2018 BIOTECHNOLOGY PART 1 AGRI TAYO DITO

 

 

BEST AGRICULTRE TV PROGRAM OR SEGMENT

AGRI TAYO DITO: BIOTECHNOLOGY SERIES

KARREN MONTEJO, PRODUCER

 

BODY 1

  1. MTRCB ADVISORY

  2. DISCLAIMER

TRANSCRIBED AUDIO

TRANSLATED AUDIO

VO

THE VIEWS AND OPINIONS OF THE GUESTS DO NOT NECESSARILY STATE OR REFLECT THOSE OF THE HOST, THE SHOW, THE MANAGEMENT, AND THE NETWORK.

THE VIEWS AND OPINIONS OF THE GUESTS DO NOT NECESSARILY STATE OR REFLECT THOSE OF THE HOST, THE SHOW, THE MANAGEMENT, AND THE NETWORK.

  1. PRIMER

TRANSCRIBED AUDIO

TRANSLATED AUDIO

RUBEN VO

TUNAY NA MAIPAGMAMALAKI ANG BAWAT YAMANG AGRIKULTURAL NA IBINUHOS NG POONG MAYKAPAL SA BAWAT ISLA NG PILIPINAS. SWERTE KUNG ITURING NGA DAW TAYONG MGA PILIPINO DAHIL KAHIT SAAN KA MAN PUMUNTA, PWEDE KANG MAKAPAGTANIM AT MAKAPAG-ANI NG KAHIT ANO SA MGA LUPAIN NATIN NA KAY SIGLA.

PERO SA PAGDAAN NG PANAHON, TILA SINUSUBOK ANG ATING KATATAGAN AT KAKAYAHAN SA PAGPAPAGANDA NG KALAGAYAN NG ATING AGRIKULTURA AT KABUHAYAN. SA PANDAIGDIGANG USAPAN, ISA SA MGA ISYUNG KINAKAHARAP NATIN NGAYON AY ANG PATULOY NA PAGTAAS NG POPULASYON. SA KASALUKUYAN AY TINATAYANG NASA PITONG BILYONG TAO NA ANG NANINIRAHAN SA ATING MUNDO. PERO PAGDATING NG TAONG 2050 AY INAASAHANG PAPALO NA ANG NUMERONG ITO SA WALONG BILYON.

DAGDAG PA DIYAN, DAHIL NA RIN SA KAPABAYAAN NG TAO, AY MAS LUMALALA ANG PAGBABAGO NG KLIMA O CLIMATE CHANGE. ANG ABNORMAL AT PABAGO-BAGONG PANAHON SA IBA’T-IBANG BAHAGI NG MUNDO AY NAKAKA-APEKTO NA SA PAGTUBO NG MGA PANANIM, AT SA DAMI NG ATING KAYANG ANIHIN. ANG MGA SULIRANING ITO ANG KASALUKUYANG PINAGTUTUUNAN NG PANSIN NG MARAMING DALUBHASA SA PAG-AAGRIKULTURA. KUNG KAYA NAMAN MARAMI NG PAMAMARAAN ANG BINUO AT MAS PINAHUSAY UPANG MABIGYAN NG LIWANANG ANG MGA NAGBABADYANG PROBLEMA NATIN SA AGRIKULTURA AT SEGURIDAD SA PAGKAIN.

AT SA UNANG PAGKAKATAON, MGA KA-AGRI, ATING TUTUKLASIN ANG TEKNOLOHIYANG ITO. TATALAKAKAYIN NG ATING MGA KA-AGRING DALUBHASA AT SIYENTISTA ANG KAHALAGAHAN…MGA BENEPISYO…MGA ISYU NA KINAKAHARAP…AT KINABUKASAN…NG TEKNOLOHIYANG ITINUTURING NA ISA SA MGA NAGNININGNING NA PAG-ASA NG ATING PAG-AAGRIKULTURA….ANG BIOTECHNOLOGY!

WE SHOULD BE PROUD OF EVERY AGRICULTURAL RESOURCES THAT THE HEAVENLY FATHER HAVE SHOWERED UPON OUR COUNTRY. WE, FILIPINOS, ARE LUCKY ENOUGH BECAUSE WHEREVER WE GO AROUND THE COUNTRY, YOU CAN PLANT AND HARVEST ALMOST ANYTHING FROM OURABUNDANT LANDS.

BUT AS TIME PASSES BY, OUR RESILIENCE AND CAPABILITIES IN IMPROVING THE AGRICULTURE SECTOR IS BEING TESTED BY DIFFERENT PROBLEMS. ONE OF THE GLOBAL CONCERNS THAT WE FACE IS THE INCREASING WORLDWIDE POPOULATION. AS OF THE MOMENT, THERE ARE AROUND 7 BILLION PEOPLE AROUD THE WORLD. BUT IN THE YEAR 2050, THE NUMBER IS EXPECTED TO HIT 9 BILLION.

IN ADDITION, HUMAN BEINGS’NEGLECT OF TAKING CARE OF THE ENVIRONMENT WORSEN CLIMATE CHANGE. THE ABNORMAL AND UNPREDICTABLE WEATHER PATTERNS AROUND THE WORLD AFFECTED THE GROWTH OF OUR CROPS, AND THE QUALITY OF OUR PRODUCE. MANY EXPERTS NOW FOCUS ON CREATING AND INNOVATING SOLUTIONS TO SOLVE THESE COMPLICATIONS. THAT’S WHY THERE ARE MANY TECHNOLOGIES BEING DEVELOPED AND IMPROVED TO GIVE LIGHT TO OUR PROBLEMS IN AGRICULTURE AND FOOD SECURITY.

AND FOR THE FIRST TIME IN THIS PROGRAM’S HISTORY, WE WILL DISCOVER THIS TECHNOLOGY. OUR GUEST EXPERTS AND SCIENTISTS WILL DISCUSS THE IMPORTANCE, BENEFITS, ISSUES, AND THE FUTURE OF THE TECHNOLOGY THAT IS CONSIDERED ONE OF THE SHINING HOPE OF OUR AGRICULTURE SECTOR…THE BIOTECHNOLOGY.

  1. DEFINITION OF BIOTECHNOLOGY/HISTORY OF BIOTECHNOLOGY/TRADITIONAL BIOTECHNOLOGY

TRANSCRIBED AUDIO

TRANSLATED AUDIO

RUBEN VO

ANG PAG-AAGRIKULTURA ANG ISA SA MGA PINAKANAKAKAMANGHANG IMBENSYON NA NATUKLASAN NG TAO. SABI NGA’Y ANG PAGKADISKUBRE NG ATING MGA NINUNO NITO LABING DALAWANG LIBONG TAON NA ANG NAKAKARAAN ANG BUMAGO SA TADHANA NATIN BILANG MGA NILALANG NA NANINIRAHAN SA MUNDONG ITO.

AGRICULTURE IS ONE OF THE MOST AMAZING TECHNOLOGIES THAT HUMAN BEINGS HAVE DISCOVERED. THE DISCOVERY OF AGRICULTURE 12,000 YEARS AGO DEFINITELY CHANGED THE DESTINY OF THE HUMAN RACE’S LIFE IN THIS WORLD.

ONCAM INTERVIEW

DR. RHODORA “OLAH” ALDEMITA SENIOR PROGRAM OFFICER INTERNATIONAL SERVICE FOR THE ACQUISITION OF AGRI-BIOTCH APPLICATIONS NOONG UNANG PANAHON, ALAM NATIN NA WALA PANG AGRICULTURE AT ALAM NATIN NA ANG MGA TAO AY KUMUKUHA LANG NG MGA HALAMAN AT PAGKAIN SA KAPARANGAN SA ILALIM NG MGA PUNO. NAKIKITA NILA ANG KANILANG MGA KAKAININ. TAPOS NAKITA NILA KUNG ANO ANG MGA HALAMAN NA PWEDE NILANG KAININ. DAHIL NAKITA NG ATING MGA ANCESTORS, YUN NA ANG KANILANG ITINATANIM. NATUTO NA SILANG MAGTANIM. LUMIPAS ANG PANAHON, NAGING MAGSASAKA NA SILA, NAGDODOMESTICATE. NAKITA NA NILA KUNG ANO ANG MGA PAMAMARAAAN MAPABILIS ANG ANI MAPARAMI ANG ANI.

IN THE ANCIENT TIMES, THERE IS STILL NO AGRICULTURE. WE ALL KNOW THAT OUR ANCESTORS JUST GET THEIR FOOD FROM THE VEGETATION AROUND THEM OR IN THE FORESTS. THEY JUST GET WHAT THEY NEED AND WHAT ARE THE PLANTS THAT CAN BE EATEN. WHEN THEY DISCOVERED THESE PLANTS, THEY DECIDED TO PLANT THEM. THEY LEARNED HOW TO PLANT. AS TIME PASSED BY, THEY HAVE BECOME FARMERS. THEY ALSO DISCOVERED WAYS ON HOW TO INCREASE THEIR YIELD.

RUBEN VO

KARAMIHAN SA ATING MGA DAMIT, GAMIT, AT HIGIT SA LAHAT, MGA PAGKAIN NA NANGGALING SA MGA PANANIM MULA SA KAGUBATAN. AT SA PAGDAAN NG PANAHON AY MARAMING PAGBABAGO NA ANG NAGING KAAKIBAT NG MGA SINAUNANG TAO SA PAGPAPALAGO NG KANILANG AGRIKULTURA AT KABUHAYAN…AT YAN AY ANG BIOTECHNOLOGY O BIOTEK!

MOST OF OUR CLOTHINGS, TOOLS, AND FOOD CAME FROM THE PLANTS IN THE FOREST. AS TIME FLEW BY, MANY TECHNOLOGIES HAVE BEEN DISCOVERED AND HAVE BEEN HELPING OUR ANCESTORS IN IMPROVING AGRICULTURE AND THEIR LIVELIHOOD…AND ONE OF WHICH IS BIOTECHNOLOGY.

ONCAM INTERVIEW

DR. RONNIE VIOLANTA PROGRAM LEADER TECHNOLOGY TRANSFER AND BUSINESS DEVELOPMENT PROGRAM NATIONAL INSTITUTE OF MOLECULAR BIOLOGY AND BIOTECHNOLOGY

ANG TRADITIONAL BIOTECHNOLOGY DI LANG NATIN NAPAPANSIN KAHIT NOONG UNANG MGA PANAHON PA. GINAGAMIT NATIN ITO SA PAGGAWA NG SUKA O VINEGAR SA PAGGAWA NG KESO, SA PAGGAWA NG ALAK.

WE HAVEN’T REALIZED THAT WE HAVE BEEN USING TRADITIONAL BIOTECHNOLOGY FOR A VERY LONG TIME NOW. THIS IS USED IN MAKING VINEGER, CHEESE AND WINE.

ONCAM INTERVIEW

DR. VIVENCIO “CHOY” MAMARIL DIRECTOR BIOTECHNOLOGY PROGRAM OFFICE DEPARTMENT OF AGRICULTURE

HALIMBAWA ANG ATING MGA MAGSASAKA AY GUMAGAMI NG SOIL ENOCULANTS. PARANG FERTILIZER SIYA. KUNG SAAN INILALAGAY MO SIYA SA BUTO. NA PAG TINANIM MO NA SIYA MAY KASAMA NA SIYANG FERTILIZER. YUNG INOCULANT NA YAN ISA YANG MICRO ORGANISM. SA PAGGAWA NG ORGANIC FERTILIZER. PAANO SIYA NAGING ORGANIC MATTER? KASI MERON SIYANG MICROORGANISM NA TUMUTTUNAW PARA MA CONVERT SIYA INTO ORGANIC MATTER.

YUNG MGA LOLO AT LOLA NATIN NA GUMAGAWA NG BAGOONG AT PATIS, YAN PRODUKTO YAN NG BIOTEK. SO YUN AY BIOTECHNOLOGY. ITO ANG MGA PRODUKTONG ANDYIAN NA AT GINAGAMIT NA NIYA.

ANOTHER EXAMPLE IS OUR FARMERS USE SOIL ENOCULANTS. THIS IS LIKE A FERTILIZER THAT YOU PUT INTO THE SEEDS. IT IS LIKE A BUILT-IN FERTILIZER. THAT INOCULANT IS A MICROORGANISM. HOW DOES IT BECOME AN ORGANIC MATTER? IT HAS A MICROORGANISM THAT BREAKS IT DOWN INTO ORGANIC MATTER.

OUR GRANDPARENTS HAVE BEEN USING BIOTECHNOLOGY IN MAKING SHRIMP PASTE AND FISH SAUCE. THAT IS BIOTECHNOLOGY. WE HAVE BEEN USING IT WITHOUT REALIZING IT.

RUBEN VO

ANG MGA HALIMBAWANG BINANGGIT NILA AY ANG TINATAWAG NATING TRADITIONAL BIOTECHNOLOGY. INIISIP MAN NG MARAMI NA MATANDA ITONG TRADITIONAL BIOTECHNOLOGY, PERO DITO SA NATIONAL INSTITUTE OF MOLECULAR BIOLOGY AND BIOTECHNOLOGY NG UNIVERISTY OF THE PHILIPPINES LOS BANOS, PATULOY PA RIN ITONG PINAPALAGO AT PINAPALAGANAP.

THESE ARE EXAMPLES OR TRADITIONAL BIOTECHNOLOGY. WE MIGHT THINK THAT THIS TECHONOLOGY IS OLD, BUT HERE IN NATIONAL INSTITUTE OF MOLECULAR BIOLOGY AND BIOTECHNOLOGY OF UNIVERISTY OF THE PHILIPPINES LOS BANOS, THEY ARE STILL DEVELOPING AND PROPAGATING THIS TECHNOLOGY.

ONCAM INTERVIEW

DR. RONNIE VIOLANTA PROGRAM LEADER TECHNOLOGY TRANSFER AND BUSINESS DEVELOPMENT PROGRAM NATIONAL INSTITUTE OF MOLECULAR BIOLOGY AND BIOTECHNOLOGY

NAKATULONG KAMI NA MAGPALAGANANAP SA PAGGAMIT NG BIO FERTILIZERS SA AGRIKULTURA. PAGTAAS AT PAGDAMI NG ANI SA PAMAMAGITAN NG MATIPID PERO MGA EPEKTIBONG BIOFERTILIZER, O INOCULANTS NA MAGAGAMIT NG ATING MGA MAGSASAKA. PAPUNTA KAMI DOON SA PAG DEVELOP NG MAS EFFECTIVE AT MAS EFFICIENT NA ABONO O FERTILZERS.

WE HELP IN ENCOURAGING FARMERS TO USE BIOFERTILIZERS IN AGRICULURE. WITH THE HELP OF INOCULANTS AND BIOFERTILIZERS, OUR FARMERS CAN INCREASE OUR YIELD EFFICIENTLY. WE ARE NOW DEVELOPING MORE EFFECTIVE AND MORE EFFICIENT FERTILIZERS.

RUBEN VO

SAKOP RIN NG TRADITIONAL BIOTECHNOLOGY ANG IBA PANG PAMAMARAAN NATIN SA PAGSASAKA AT PAGHAHAYUPAN TULAD NG CROSS BREEDING, FERMENTATION, TISSUE CULTURE, MICROBIAL CULTURE, HYBRIDIZATION, AT ARTIFICIAL INSEMINATION.

PART OF TRADITIONAL TECHNOLOGY ARE OTHER TECHNOLOGIES USED IN AGRICULTURE SUCH AS CROSS BREEDING, FERMENTATION, TISSUE CULTURE, MICROBIAL CULTURE, HYBRIDIZATION, AND ARTIFICIAL INSEMINATION

  1. HYPE SEGMENT

TRANSCRIBED AUDIO

TRANSLATED AUDIO

RUBEN VO

KAYA NAMAN…ABANGAN SA AMING PAGBABALIK!

UP NEXT!

ONCAM INTERVIEW

DR. VIVENCIO “CHOY” MAMARIL DIRECTOR BIOTECHNOLOGY PROGRAM OFFICE DEPARTMENT OF AGRICULTURE NAKAGAWA TAYO NG MGA BAGONG BINHI, AT ITONG MGA BINHING ITO AY PINAKIKINABANGAN NA NG ATING MGA MAGSASAKA.

WE HAVE DEVELOPED NEW SEEDS, AND THESE SEEDS ARE BEING USED BY OUR FARMERS.

RUBEN VO

WAG KAYONG AALIS, MGA KA-AGRI DAHIL IHAHATID NAMIN SA INYO ANG IBA PANG KAALAMAN MULA SA MUNDO NG BIOTEK!

DON’T GO AWAY BECAUSE WE WILL BRING YOU MORE KNOWLEDGE ON BIOTECHNOLOGY WHEN WE COME BACK!

  1. PROGRAM LOGO

END OF BODY 1

 

BODY 2

  1. PROGRAM LOGO

  2. BUMPER 1: WHAT IS DNA?

TRANSCRIBED AUDIO

TRANSLATED AUDIO

RUBEN VO

DNA…

O ANG DEOXYRIBONUCLEIC ACID…

ITO ANG KEMIKAL NA SANGKAP NA NAGDIDIKTA NG ITSURA AT IBA PANG KATANGIAN NATING MGA TAO, MAGING NG MGA HAYOP AT HALAMAN.

TAGLAY NG DNA ANG GENETIC INFORMATION NA NAGAGAMIT SA PAGPAPALAKI, PAGDE-DEVELOP, PAGGAWA AT PAGPAPARAMI NG LAHAT NG BUHAY NA ORGANISMO SA MUNDO. DAHIL SA SIYENSYA, KAYA NANG BAGUHIN ANG KATANGIAN NG MGA BAGAY NA ITO. ISA SA PAMAMARAANG ITO ANG TINATAWAG NA BIOTEK.

ITO ANG GINAGAWANG HAKBANG NG MGA KA-AGRI NATING DALUBHASA UPANG MAKABUO NG MAS MAGAGANDANG KLASE NG PANANIM.

DNA…

OR DEOXYRIBONUCLEIC ACID…

THIS IS THE MOLECULE THAT DICTATES THE CHARACTERISTICS OF HUMANS, PLANTS, AND ANIMALS.

DNA CONTAINS GENETIC INFORMATION THAT IS BEING USED IN GROWING, DEVELOPING, AND PROPAGATING ALL LIVING ORGANISMS IN THIS WORLD. BECAUSE OF MODERN SCIENCE, DNA CAN BE MODIFIED THROUGHT MODERN BIOTECHNOLOGY.

THIS IS USED BY SCIENTISTS IN DEVELOPING BETTER QUALITY PLANTS. 

  1. MODERN BIOTECHNLOGY

 

TRANSCRIBED AUDIO

TRANSLATED AUDIO

RUBEN VO

MALAKI ANG NAGING PARTE NG TRADITIONAL NA BIOTEK SA PAGLAGO NG ATING PAG-AAGRIKULTURA SIMULA PA MAN NOONG UNANG PANAHON. AT KAHIT PA MAN SA KASALUKUYAN, BILANG MGA MAGSASAKA AT NORMAL NA INDIBIDWAL, AY PATULOY PA RIN ANG ATING PAGGAMIT AT PAGPAPALAGO NITO.

TRADITIONAL BIOTECHNOLOGY PLAYED AN ESSENTIAL ROLE IN OUR AGRICULTURE SINCE THE ANCIENT TIMES. THIS TECHNOLOGY IS STILL BEING USED BY OUR FARMERS UP TO THIS DAY.

ONCAM INTERVIEW

DR. RHODORA “OLAH” ALDEMITA

SENIOR PROGRAM OFFICER

INTERNATIONAL SERVICE FOR THE ACQUISITION OF AGRI-BIOTCH APPLICATIONS

SA KASALUKUYANG PANAHON, PAGKAKAROON NG BAGONG TEKNOLOHIYA, NAGSISIMULA YAN SA PAGKAKAROON NG HYBRIDS, DATI RATI KUNG ANO ANG SEEDS YUN LANG ANG ITINATANIM, NGAYON DAHIL SA SIYNSIYA, NAKIKITA NA ANG PAGKAKAROON NG HYBRID IBIG SABIHIN ANG DALAWANG MAGKAIBANG VARIETY, PAG PINAGSAMA MO MAS MAGANDA ANG ANAK, MAS MARAMING ANI, MAS MARAMING LEAVES, MAS MARAMING SEEDS.

TAPOS SA BAWAT BANSA, MERONG KANYA-KANYANG VARIETIES. NAKIKITA NG MGA SIYENTISTA NA MAS MARAMI PANG PWEDENG GAWIN, KASAMA NA DITO ANG MUTATION BREEDING YUNG INAAPPLYAN NATIN NG GAMMA RAY, X-RAY, OR NG MGA CHEMICAL NA MAG-PRODUCE NG MUTATION.

RECENTLY, NEW TECHNOLOGIES HAVE BEEN DEVELOPED. IT STARTED WITH HYBRIDS. BEFORE, WE JUST PLANT THE SEEDS THAT WE COLLECT. NOW WE HAVE HYBRIDS WHICH IS A RESULT OF TWO DIFFERENT VARIETIES. IF YOU MIX THEM, THEY WILL HAVE BETTER OFFSPRINGS WITH BETTER YIELD, MORE LEAVES, AND MORE SEEDS.

EVERY COUNTRY HAS ITS OWN GOOD VARIETY OF SEEDS. THE SCIENTISTS HAVE DEVELOPED WAYS TO IMPROVE THEM LIKE MUTATION BREEDING WHERE YOU APPLY GAMMA RAY, X-RAY, AND OTHER CHEMICALS TO PRODUCE MUTATION.

RUBEN VO

SA PAMAMAGITAN NG MGA TRADITIONAL NA BIOTEK, NAKABUO ANG ATING MGA PLANT BREEDERS NG MAS MAGANDANG KLASE NG PANANIM. KAYA LANG ANG MGA ITO AY INAABOT NG MARAMING TAON BAGO MAKUHA ANG INAASAM NA KATANGIAN NG MGA PANANIM. SA PAGSUSUMIKAP NG ATING MGA SIYENTISTA AY NAKABUO SILA NG MAKABAGONG PAMAMARAAN SA MABILIS NA PAGPAPAHUSAY NG ATING MGA PANANIM, AT DITO NA PUMASOK ANG PAG-USBONG NG MODERN BIOTECHNOLOGY.

WITH THE HELP OF TRADITIONAL BIOTECHNOLOGY, OUR PLANT BREEDERS HAVE DEVELOPED GOOD YIELDING PLANTS. BUT THIS TECHNOLOGY TAKES A VERY LONG TIME BEFORE THEY CAN ACHIEVE THE DESIRED TRAIT. OUR SCIENTISTS WORKED HARD IN DEVELOPING FASTER WAYS TO HAVE GOOD QUALITY SEEDS. AND THIS IS WHERE THE MODERN BIOTECHNOLOGY CAME IN.

ONCAM INTERVIEW

DR. RHODORA “OLAH” ALDEMITA

SENIOR PROGRAM OFFICER

INTERNATIONAL SERVICE FOR THE ACQUISITION OF AGRI-BIOTCH APPLICATIONS

ANG BIOTEK AY GUMAGAMIT NG SIYENSIYA NG MOLECULAR BIOLOGY KUNG SAAN GUMAGAMIT NG ORGANISMO O BAHAGI NG ORGANISMO O PARTE LANG NG ORGANISMO O DNA. INILAGAY SA MGA HALAMAN NA GUSTO NATING MA-IMPROVE PLUS MABILIS ITONG MODERN BIOTECHNOLOGY. YUNG GAMIT NIYA LAHAT EH. GINAGAMITAN SIYA NG HYBRIDS, GINAGAMITAN SIYA NG MUTATION, GINAGAMITAN SIYA NG SELECTION, PERO MAS PRECISE SIYA.

BIOTECHNOLOGY IS USING THE SCIENCE OF MOLECULAR BIOLOGY WHERE WE USE LIVING ORGANISM OR PART OF THE LIVING ORGANISM OR DNA. WE PUT THIS TO THE PLANTS THAT WE WANTED TO IMPROVE. MODERN BIOTECHNOLOGY PRODUCES FASTER RESULTS. IT USES DIFFERENT TECHNOLOGIES LIKE HYBRIDS, MUTATIONS, AND SELECTION. IT IS NOW MORE PRECISE.

ONCAM INTERVIEW

DR. VIVENCIO “CHOY” MAMARIL

DIRECTOR

BIOTECHNOLOGY PROGRAM OFFICE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

DATI RATI TSAMBA ANG PAGGAWA O PAG DEVELOP, NGAYONG THROUGH MOLECULAR BIOLOGY, NALALAMAN MO AGAD KUNG ANO ANG MGA KATANGIAN NG PARENTS NITO. NAKAGAWA TAYO NG MGA BAGONG BINHI, AT ITONG MGA BINHING ITO AY PINAPAKINABANGAN NA NG ATING MGA MAGSASAKA. ITO NA ANG NAPAPAKINGGAN NATIN NA GMO O GENETICALLY MODIFIED ORGANISMS, PERO SA NGAYON ANG MERON TAYO AY ANG GMC O GENETICALLY MODIFIED CROPS NA ITINATANIM NA NG ATING MGA MAGSASAKA ITO NA NGAYON ANG PRODUKTO NG GENETIC ENGINEERING.

IN DEVELOPING NEW SEEDS BEFORE, THEY ONLY RELY ON LUCK. NOW WITH MOLECULAR BIOLOGY, YOU CAN ALREADY IDENTIFY THE SPECIFIC CHARACTERISTICS OF ITS PARENTS. WE HAVE NOW CREATED NEW SEEDS, AND THESE SEEDS ARE NOW BEING USED BY FARMERS. THIS IS WHAT WE HEAR GMO OR GENETICALLY MODIFIED ORGANISMS. BUT FOR NOW WE ONLY HAVE GENETICALLY MODIFIED CROPS OR GMC THAT ARE BEING PLANTED BY OUR FARMERS. THIS IS A RESULT OF GENETIC ENGINEERING. 

ONCAM INTERVIEW

DR. RHODORA “OLAH” ALDEMITA

SENIOR PROGRAM OFFICER

INTERNATIONAL SERVICE FOR THE ACQUISITION OF AGRI-BIOTCH APPLICATIONS

NOONG WALA PANG BIOTEK AROUND 1996 ANG MGA FARMERS AY NAHIHIRAPAN SA WEEDS. KASI ANG GINAGAWA NILA PUMUPUNTA SILA SA BUKID, MAGTATANGGAL NG DAMO, GAGAMIT NG MALALAKING TRAKTORA YUNG MGA MALALAKING FARM HOLDERS. ANG NANGYAYARI NASA TOP SOIL ANG MGA MATATABANG LUPA AY NAEEXPOSE. KAPAY NA EXPOSE YUN, NATUTUYO. PAG MALAKAS ANG ULAN, MADADALA NG BAHA SO MAWAWALA NA YUNG FERTILITY NG SOIL PERO DAHIL SA SIYENSYA AT BIOTECHNOLOGY MERON TAYO YUNG MGA HERBICIDE TOLERANT NA CROPS.

IN 1996, WHEN WE STILL DON’T HAVE MODERN BIOTECHNOLOGY, OUR FARMERS ARE HAVING HARD TIME WITH WEEDS. WHAT THEY DO IS THEY GO TO THEIR FARMS, PULL OFF THE GRASS, USE BIGGER TRACTORS FOR BEIGGER FAR HOLDERS. NOW TOP SOIL CONTAINS THE ESSENTIAL NUTRIENTS ARE BEING EXPOSED. IF THIS IS EXPOSED, THE NUTRIENTS ARE DRIED OUT. IF IT RAINS, FLOODING AND SOIL EROSION WILL AFFECT ITS OVERALL FERTILITY. BUT WITH THE HELP OF BIOTECHNOLOGY, WE NOW HAVE HERBICIDE TOLERANT CROPS.

ONCAM INTERVIEW

DR. VIVENCIO “CHOY” MAMARIL

DIRECTOR

BIOTECHNOLOGY PROGRAM OFFICE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

IBIG SABIHIN, ISPRAYHAN MO MAN AKO, ANG MAMATAY LANG YUNG MGA DAMO SA PALIGID NIYA PERO SIYA NAKATAYO PA RIN.

EVEN IF YOU SPRAY THESE CROPS WITH HERBICIDES, ONLY THE WEEDS WILL DIE. THE PLANT IS STILL STANDING.

ONCAM INTERVIEW

DR. RHODORA “OLAH” ALDEMITA

SENIOR PROGRAM OFFICER

INTERNATIONAL SERVICE FOR THE ACQUISITION OF AGRI-BIOTCH APPLICATIONS

ANG KAIGIHAN NG HERBICIDE TOLERANT CROPS AY DI NA GUMAGAMIT NG MALALAKAS NA LASON NA HERBICIDE. DAHIL SA BIOTECHNOLOGY, ANG GINAGAMIT NGAYON NA HERBICIDE AY GLYPHOSATE. ITO YUNG MGA CHEMICAL NA HINDI HAZARDOUS, TALAGANG HINDI NA SIYA GANUN KA TOXIC. SO NGAYON ANG ATING MGA HERBICIDE TOLERANT CROPS, HINDI NAKAKASAMA SA ATING MAGSASAKA, HINDI NAGKAKAROON NG SOIL EROSION, HINDI KATULAD NOON.

THE GOOD THING WITH HERBICIDE TOLERANT CROPS IS THAT IT DOESN’T USE HEAVILY TOXIC HERBICIDES. BECAUSE OF BIOTECHNOLOGY, THEY ARE NOW USING GLYPHOSATE WHICH IS NOT HAZARDOUS AND NOT TOXIC. WITH THIS HERBICIDE TOLERANT CROPS, OUR FARMERS WILL HAVE A BETTER ENVIRONMENT, AND NO SOIL EROSION UNLIKE BEFORE.

 

  1. HYPE NEXT SEGMENT

TRANSCRIBED AUDIO

TRANSLATED AUDIO

RUBEN VO

SUSUNOD!!

UP NEXT!

ONCAM INTERVIEW

DR. VIVENCIO “CHOY” MAMARIL

DIRECTOR

BIOTECHNOLOGY PROGRAM OFFICE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

ANUMANG BAGAY NA RESULTA NG GENETIC ENGINEERING, BAGO MAKARATING SA INYONG MAGSASAKA AARALIN MUNA AT AALAMIN NA ITO NGA AY LIGTAS.

STAY TUNED BECAUSE OUR DISCUSSION ON MODERN BIOTECHNOLOGY CONTINUES WHEN WE COME BACK!

RUBEN VO

TUTOK LANG, MGA KA-AGRI, DAHIL MAGPAPATULOY PA RIN ANG ATING TALAKAYAN SA MAKABAGO AT MODERNONG BIOTEK!

STAY TUNED BECAUSE OUR DISCUSSION ON MODERN BIOTECHNOLOGY CONTINUES WHEN WE COME BACK!

 

 

  1. PROGRAM LOGO

END OF BODY 2

 

BODY 3

  1. PROGRAM LOGO

  2. START OF PH BIOTECHNOLOGY/CURRENT GLOBAL STATUS

TRANSCRIBED AUDIO

TRANSLATED AUDIO

RUBEN VO

DAHIL SA MGA NAKITANG BENEPISYO NG MGA DALUBHASA AT MAGSASAKA SA PAGGAMIT NG MODERNONG BIOTEK SA ATING PAGSASAKA AY DUMAMI ANG MGA BANSANG NAG-DESISYON NA ITO AY ARALIN AT PALAGUIN.

BECAUSE OF THE BENEFITS SEEN IN USING MODERN BIOTECHNOLOGY IN OUR AGRICULTURE, MORE COUNTRIES HAVE DECIDED TO STUDY AND DEVELOP THIS TECHNOLOGY.

ONCAM INTERVIEW

DR. RHODORA “OLAH” ALDEMITA

SENIOR PROGRAM OFFICER

INTERNATIONAL SERVICE FOR THE ACQUISITION OF AGRI-BIOTCH APPLICATIONS

ANG PILIPINAS AY IKALABINGTATLO SA 26 NA COUNTRIES.

PHILIPPINES RANKED 13 OUT OF 26 COUNTRIES.

RUBEN VO

AT TAONG 2003 ANG NAGING HUDYAT NG OPISYAL NA PAGSISIMULA NG PAGTATANIM NG BIOTEK NA PANANIM DITO SA ATING BANSA. TAYO ANG UNANG BANSA SA ASYA NA NAKAPAGTANIM NG BIOTEK NA PANANIM.

2003 PAVED WAY TO THE OFFICIAL START OF THE FIRST GM CROP PLANTED HERE IN THE PHILIPPINES. WE ARE THE FIRST COUNTRY IN ASIA TO PLANT A GM CROP.

ONCAM INTERVIEW

DR. VIVENCIO “CHOY” MAMARIL

DIRECTOR

BIOTECHNOLOGY PROGRAM OFFICE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

SA PAGPASOK NG TAONG 2003, ANG MGA MAGSASAKA AY NAGTANIM NA NG GENETICALLY MODIFIED CROPS. PERO MGA 5 TAON PA BAGO ANG 2003, SINIMULAN NA ITONG INARAL SA PILIPINAS KUNG ITO BAY AY LIGTAS AT KAPAKIPAKINABANG SA ATING MGA MAGSASAKA. PUMASOK YAN DITO, FINISHED PRODUCT NA. NAGMULA ITO SA AMERICA. PERO ITO AY INARAL DIN NILA NA MAS MATAGAL PA BAGO ITO NA INTORDUCE SA MERKADO.

IN 2003, FARMERS STARTED TO PLANT GENETICALLY MODIFIED CROPS. BUT 5 YEARS BEFORE 2003, ITS EFFICACY AND SAFETY WAS BEING STUDIED BY THE SCIENTISTS. IT WAS ALREADY A FINISHED PRODUCT WHEN IT CAME HERE IN THE PHILIPPINES. THIS CAME FROM THE USA. BUT THEY HAVE STUDIED THIS WELL WAY BEFORE THEY INTRODUCED IT TO THE MARKET.

RUBEN VO

ANG KAUNAUNAHANG BIOTEK NA PANANIM NA PINAYAGAN NG BUREAU OF PLANT INDUSTRY O BPI NG DA NA ITINANIM SA PILIPINAS AY ANG BT MAIS O BACILLUS THURIENGENSIS MAIS. ITO AY MAY RESISTENSYA MULA SA ASIATIC CORN BORER. ISANG PESTE NA NANANALASA SA ATING MGA TANIMAN NG MAIS.

 

THE FIRST BIOTECH CROP THAT WAS APPROVED BY THE BUREAU OF PLANT INDUSTRY OF DA TO BE PLANTED IN THE PHILIPPINES IS THE BT CORN OR BACILLUS THURIENGENSIS CORN. IT HAS RESISTANCE AGAINST ASIATIC CORN BORER, A PEST THAT AFFECTS MANY CORN PLANTATIONS IN THE COUNTRY.

ONCAM INTERVIEW

DR. VIVENCIO “CHOY” MAMARIL

DIRECTOR

BIOTECHNOLOGY PROGRAM OFFICE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

HANDA SIYANG LUMABAN SA PESTENG ITO. YUN LAMANG ANG MERON TAYONG GENETICALLY MODIFIED CROP NA ITINATANIM SA PILIPINAS NA NABIGYAN NG BIOSAFETY PERMIT FOR PROPAGATION.

IT CAN FIGHT AGAINST THIS PEST. THAT IS THE ONLY GENETICALLY MODIFIED CROP THAT HAS BEEN AWARDED WITH BIOSAFETY PERMIT FOR PROPAGATION IN THE PHILIPPINES.

RUBEN VO

AT SA PATULOY NA PAGSUSUMIKAP NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE O DA NA MAKAPAGHATID NG MAS MASAGANANG PAG-AAGRIKULTURA  SA ATING MGA KA-AGRI , KASABAY NG IBANG PAMAMARAAN SA PAGSASAKA, ITONG BIOTEK AY WALANG TIGIL DIN NILANG PINAG-AARALAN.

AND IN THE CONTINUOUS EFFORT OF DEPARTMENT OF AGRICULTURE OR DA TO BRING BOUNTIFUL AGRICULTURE TO OUR COUNTRYMEN, TOGETHER WITH OTHER TECHNOLOGIES IN FARMING, BIOTECHNOLOGY IS BEING STUDIED CAREFULLY BY THE DEPARTMENT.

ONCAM INTERVIEW

DR. VIVENCIO “CHOY” MAMARIL

DIRECTOR

BIOTECHNOLOGY PROGRAM OFFICE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

ANG DEPARTMENT OF AGRICULTURE AY MAY PANGKALAHATANG PROGRAMA PARA SA MGA MAGSASAKA. ANG BIOTECHNOLOGY ONE OF THE OPTIONS. HINDI LAMANG ITO, MERON PANG IBA. IBIG SABIHIN, ISA ITO SA MGA PWEDE MONG GAMITIN PARA SA PAGSASAKA. ANG SINASABI NAMIN ANUMANG PRODUKTO NG BIOTEK BAGO PA MAN MAKARATING SA INYO MAGSASAKA, AARALIN AT AALAMIN KUNG ITO BA AY LIGTAS. ANG PAG-AARAL NA ITO AY MASUSI AT MALALIM. HINDI LANG SURE, SURE NA SURE. SO RESPONSIBLE USE NA TAYO NGAYON. YUNG MAGSASAKA, HE HAS THE POWER NA MAMILI KUNG ANO ANG GUSTO NIYANG ITANIM.

 

THE DEPARTMENT OF AGRICULTURE HAS A GENERAL PROGRAM FOR OUR FARMERS. BIOTECHNOLOGY IS ONE OF THE OPTIONS. THIS IS NOT THE ONLY OPTION, THERE ARE ALSO OTHER OPTION. YOU CAN USE THIS AS ONE OF YOUR TECHNOLOGIES IN FARMING. WE ALWAYS ASSURE THEM THAT ANY PRODUCT OF BIOTECHNOLOGY, BEFORE IT REACHES THE HANDS OF OUR FARMERS, WE WILL STUDY ITS SAFETY. THE STUDY IS THOROUGH. WE’RE NOT ONLY SURE, BUT VERY SURE. WE NOW ENCOURAGE RESPONSIBLE USE. THE FARMERS HAS THE POWER TO CHOOSE WHAT SEED THEY WILL PLANT.

RUBEN VO

LUMABAS MAN SA MARAMING SIYENTIPIKONG PAG-AARAL NA LIGTAS ANG PAGGAMIT NG MGA BIOTEK NA PANANIM, PATULOY PA RIN ITONG BINABATO NG MGA ISYU AT KONTROBERSIYA.

THOUGH MANY STUDIES HAVE SHOWN THAT THE USE OF BIOTECH CROPS ARE GENERALLY SAFE, IT IS STILL BEING THROWN WITH ISSUES AND CONTROVERSIES.

ONCAM INTERVIEW

DR. RHODORA “OLAH” ALDEMITA

SENIOR PROGRAM OFFICER

INTERNATIONAL SERVICE FOR THE ACQUISITION OF AGRI-BIOTCH APPLICATIONS

SO YUNG SINASABI NILA NA NAKAKAKALBO, HINDI TOTOO YUN KASI ANG TAO KASI ANG TAO MAYROON SIYANG SARILING PROSESO ALAM NIYA KUNG ANO ANG KAILANGAN NG KATAWAN NIYA.

THOSE BAD EFFECTS THAT THEY SAY ARE NOT TRUE BECAUSE HUMANS HAVE THEIR OWN PROCESS ON DETERMINING THE NEEDS OF ITS BODY.

ONCAM INTERVIEW

DR. CESAR QUICOY

ASSOCIATE PROFESSOR

COLLEGE OF ECONOMICS AND MANAGEMENT

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES – LOS BANOS

ACTUALLY YAN YUNG IRONY DIYAN SA MGA KUMUKONTRA DIYAN SA NA SABI PAG BIOTECH, IT WILL DESTROY THE ENVIRONMENT, PERO SA AMING PAG-AARAL, YUN ANG KABALIKTARAN, ANG BIOTEK GAGAMIT KA NG KAKAUNTING INPUT. PAG KAKAUNTI LANG ANG INPUTS MO THEREFORE YOU CAN PRESERVE THE ENVIRONMENT. KASI DI MO MASYADONG GINAGALAW ANG RESOURCES MO KASI KAUNTI LANG ANG KAILANGAN MO TO PRODUCE MORE.

THE IRONY OF THOSE WHO CRITICIZES BIOTECHNOLOGY, THEY SAY THAT BIOTECHNOLOGY WILL DESTROY THE ENVIRONMENT. BUT ACCORDING TO OUR STUDIES, IT IS THE OPPOSITE. BIOTECHNOLOGY USES LESS INPUTS. IF YOU USE LESS INPUTS YOU ARE PRESERVING THE ENVIRONMENT. YOU DON’T TOUCH MUCH OF OUR RESOURCES WHILE PRODUCING MORE.

ONCAM INTERVIEW

DR. VIVENCIO “CHOY” MAMARIL

DIRECTOR

BIOTECHNOLOGY PROGRAM OFFICE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

YUNG MGA FEARS NILA RERNERECOGNIZE YAN NG GOVERNMENT. HINDI YAN PINAGTATAWANAN. THIS IS A SERIOUS MATTER. KAYA ITONG MGA BAGAY NA ITO NA KINATATAKUTAN, NGAYON AY SINUSURI DOON SA PAGIGING SAFE NUNG PRODUCTS OF BIOTECHNOLOGY.

NAGKATAON KASI NA ANG MANDATO NG GOBYERNO AY ALAMIN KUNG ITO BA AY SAFE. PAANO NAMIN ITO SASABIHIN SA MADLANG PEOPLE NA SAFE ITO. EH NAGKATAON DI KAMI ARTISTA, DI KAMI JOURNALIST O BROADCASTERS. DOON KAMI HIRAP. SABAGAY KUNG SABIHIN KO SAYO NA ITO AY NAKAKAMATAY EH MATATAKOT KA TALAGA. PAG SINABI KONG SAFE SASABIHIN MONG OKAY.

MAS MADALING PAKINGGAN ANG NAKAKATAKOT KAYSA HINDI. PERO GANUNPAMAN NAGSISIKP PA RIN KAMI NA IPAALAM SA MGA MAGSASAKA NA PAG ITO AY NA ISSUEHAN NA NG PERMIT NA ITO AY SAFE, WALA KA NG DAPAT IKATAKOT SA PAGIGING SAFE NIYA.

THE GOVERNMENT RECOGNIZES THE FEARS OF THE PUBLIC. IT’S NOT A LAUGHING MATTER. THIS IS A SERIOUS MATTER. THE THINGS THAT THE PEOPLE FEAR, THESE ARE THE THINGS THAT WE EXAMINE ON THE SAFETY OF PRODUCTS OF BIOTECHNOLOGY.

THE THING IS THE MANDATE OF THE GOVERNMENT IS TO DETERMINE WHETHER IT IS SAFE OR NOT. BUT HOW DO WE TELL THIS TO THE GENERAL PUBLIC? WE ARE NOT CELEBRITIES, JOURNALISTS, OR BROADCASTERS. THAT IS WHERE WE ARE HAVING HARD TIME. IF PEOPLE SAY IT IS NOT SAFE OR DEADLY, YOU WILL BE AFRAID. BUT IF YOU SAY IT IS SAFE YOU WILL SAY OKAY.

FOR MANY OF US, IT IS EASIER TO BELIEVE THE SCARY THINGS THAN THOSE THAT ARE NOT. HOWEVER, WE ARE STILL DOING OUR BEST IN TELLING OUR FARMERS THAT WHEN WE ISSUE A SAFETY PERMIT TO THESE BIOTECH CROPS, THERE IS NOTHING TO FEAR ABOUT.

 

  1. REJOINDER VO TO HANEP BABOY

  2. HANEP BABOY [THIS IS A PAID SEGMENT]

  3. HYPE NEXT SEGMENT

TRANSCRIBED AUDIO

TRANSLATED AUDIO

VO

 

 

 

  1. PROGRAM LOGO

 

END OF BODY 3

 

BODY 4

 

  1. PROGRAM LOGO

  2. BUMPER 2: BIOTECHNOLOGY POP QUIZ

TRANSCRIBED AUDIO

TRANSLATED AUDIO

ONCAM RUBEN

ALAM NIYO BA KUNG ANO KLASENG MGA TANIM ITO? MAGHAHANAP PO TAYO NG ISANG KA-AGRING NG PWEDENG HUMULA KUNG ANO KLASENG PANANIM ITO. ANO PANG HINIHINTAY KO? EH DI MAGHAHANAP NA AKO. LET’S GO

ONCAM RUBEN

ANONG KLASENG TANIM ITO?

ONCAM GUEST

RADISH.

ONCAM RUBEN

RADISH? RADISH BA? MALI.

ONCAM RUBEN

ANONG KLASENG TANIM ITO?

ONCAM GUEST

RADISH?

ONCAM RUBEN

RADISH? MALI. ITO AY LAGI MONG NAKIKITA. ITO AY KULAY ORANGE. PARANG RADISH. ANO KAYA?

ONCAM GUEST

CARROTS?

ONCAM RUBEN

CARROTS? ITO SIYA. ITO. TIGNAN MO. ITO PO ANG ITSURA NG CARROTS DATI. SO KALAUNAN, DAHIL SA PAGDEVELOP NG ATING TEKNOLOHIYA SA AGRIKULTURA, NAGING GANITO NA SIYA.

ONCAM RUBEN

ETO KAYA? ALAM NILA?

ONCAM RUBEN

TARA! MAGHANAP PA TAYO.

ONCAM RUBEN

KUYA? ANONG KLASENG TANIM ITO? ITO PO AY KINAKAIN NATIN LAGI. ITO PO AY MAIS. ANO NAGULAT KA ANO?

ONCAM RUBEN

TATLONG KA-AGRI NA ANG ATING NILALAPITAN, PERO DI PA RIN NILA NAHUHULAAN. MERON PA AKONG ISA. ITO? ANONG KLASENG TANIM KAYA ITO?

ONCAM GUEST

KAMATIS?

ONCAM RUBEN

TUMPAK! TAMA KA!

ONCAM RUBEN

SO ANG KAMATIS NOON AY GANITO PO ANG ITSURA. ANG KAMATIS NGAYON GANITO NA PO ANG ITSURA. NAHULAAN MO MERON KANG T-SHIRT.

 

WHAT KIND OF PLANT IS THIS? WE WILL FIND SOME PEOPLE TO GUESS WHAT KIND OF PLANT THIS IS. WHAT ARE WE WAITING FOR? LET’S GO!

 

WHAT KIND OF PLANT IS THIS?

 

RADISH

 

RADISH? RADISH? WRONG.

 

WHAT KIND OF PLANT IS THIS?

 

RADISH?

 

RADISH? WRONG. WE CAN ALWAYS SEE THIS. ITS COLOR IS ORANGE. LIKE RADISH. WHAT IS IT?

 

CARROTS?

 

CARROTS? THIS IS IT. LOOK AT IT. THIS IS WHAT CARROT LOOKS LIKE BEFORE. BUT AFTER MANY YEARS, THE DEVELOPMENT OF TECHNOLOGIES IN AGRICULTURE HAS TURNED CARROTS INTO THIS.

 

HOW ABOUT THIS?

 

LET’S GO!

 

WHAT KIND OF PLANT IS THIS? WE ALWAYS EAT THIS. THIS IS CORN. ARE YOU SHOCKED?

 

WE HAVE APPROACHED 3 PEOPLE. BUT THEY HAVEN’T GUESSED IT YET. THERE IS STILL ONE. THIS? WHAT KIND OF PLANT IS THIS?

 

TOMATO?

 

THAT IS RIGHT!

 

THE ANCIENT TOMATOES LOOKED LIKE THIS. THIS IS WHAT TOMATOES LOOK LIKE NOW. YOU WILL WIN A T-SHIRT BECAUSE YOU GUESSED IT RIGHT!

 

  1. ADVANTAGE OF BIOTECHNOLOGY IN AGRICULTURE

TRANSCRIBED AUDIO

TRANSLATED AUDIO

RUBEN VO

SA KABILA NG MGA KONTROBERSIYA NA HINAHARAP NG BIOTEK SA ATING BANSA, SINUSURI NG ATING PAMAHALAAN AT ANG MGA AHENSYA NITO ANG KATIYAKAN NG PAGIGING LIGTAS NG MGA BIOTEK NA PANANIM, SA PAMAMAGITAN NG TAMANG BIOSAFETY REGULATION.

AT HIGIT PA DIYAN AY MAYROONG MGA ORGANISASYON NA KAAGAPAY ANG DA SA PAGPAPALAGANAP NG TAMANG IMPORMASYON UKOL SA BIOTEK SA ATING MGA MAGSASAKA, AT YAN ANG INTERNATIONAL SERVICE FOR THE ACQUISITION OF AGRI-BIOTECH APPLICATIONS O ISAAA.

 

DESPITE THE CONTROVERSIES THAT BIOTECHNOLOGY FACES IN OUR COUNTRY, OUR GOVERNMENT AND ITS AGENCIES MAKE SURE THAT ALL THE APPROVED BIOTECH CROPS ARE SAFE THROUGH A STRINGENT BIOSAFETY REGULATION.

THERE ARE ALSO ORGANIZATIONS THAT HELPS OUR GOVERNMENT IN SPREADING RIGHT INFORMATION ABOUT BIOTECH CROPS TO OUR FARMERS, THE INTERNATIONAL SERVICE FOR THE ACQUISITION OF AGRI-BIOTECH APPLICATIONS OR ISAAA.

ONCAM INTERVIEW

DR. RHODORA “OLAH” ALDEMITA

SENIOR PROGRAM OFFICER

INTERNATIONAL SERVICE FOR THE ACQUISITION OF AGRI-BIOTCH APPLICATIONS

KAMI PO AY MIYEMBRO NG DA-BIOTECH PROGRAM OFFICE. TINITIGNAN NATIN ANG MGA PRIORITY CROPS NA PWEDE NATING APPLYAN NG BIOTECHNOLOGY. MERON KAMING MGA PROGRAMS NA NAGSUSULAT KAMI NG MGA ARTICLES NG MGA PUBLICATIONS AND THEN ITATRANSLATE NATIN TO DIFFERENT LANGUAGES TAPOS IPINAMIMIGAY NAMIN SA MGA FORUM LALO NA SA MGA MAGSASAKA WHEN WE GO TO THE FIELD.

WE ARE A MEMBER OF THE DA-BIOTECHNOLOGY PROGRAM OFFICE. WE LOOK AT THE PRIORITY CROPS THAT CAN BE APPLIED WITH BIOTECHNOLOGY. WE HAVE SPECIAL PROGRAMS. WE WRITE ARTICLES AND PUBLICATIONS AND THEN TRANSLATE IT TO DIFFERENT DIALECTS. WE GIVE IT TO THE FARMERS WHEN WE GO TO THE FIELD.

RUBEN VO

KASABAY RIN NG PAGGANDA NG PANANAW NG MARAMING MAGSASAKA SA MGA PRODUKTO NG BIOTEK AY ANG PAGBUKAS NG KANILANG MGA ISIPAN SA MGA NAKITANG BENEPISYO MULA SA PAGGAMIT NITO.

 

WHILE THE PERCEPTION OF MANY FARMERS TOWARDS THE PRODUCTS OF BIOTECHNOLOGY ARE GETTING BETTER, THEIR MINDS HAVE BECOME OPEN TOWARDS THE BENEFITS OF USING THIS TECHNOLOGY.

ONCAM INTERVIEW

DR. VIVENCIO “CHOY” MAMARIL

DIRECTOR

BIOTECHNOLOGY PROGRAM OFFICE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

ISIPIN MO NOONG 2003 ILANG EKTARYA ANG NATATANIMAN NG GM MAIS. 50,000 HECTARES. PERO NGAYONG 2016, 2017, YUNG 50 THOUSAND MO NAGING 800 THOUSAND HECTARES NA. KAPAKIPAKINABANG BA? HMMM. IKAW NA ANG MAGSABI.

JUST THINK ABOUT THIS. IN 2003, HOW MANY HECTARES WERE PLANTED WITH BT CORN? 50,000 HECTARES. BUT IN THE RECENT YEARS, THE 50,000 BECAME 800,000 HECTARES. IS THE TECHNOLOGY USEFUL? YOU DECIDE.

RUBEN VO

SA UNANG PAGKAKATAON, IDINEKLARA NG DA NOONG 2012 NA SELF-SUFFICIENT NA ANG PILIPINAS SA YELLOW CORN.

FOR THE FIRST TIME IN HISTORY, DA DECLARED IN 2012 THAT THE PHILIPPINES IS SELF-SUFFICIENT IN YELLOW CORN.

ONCAM INTERVIEW

DR. VIVENCIO “CHOY” MAMARIL

DIRECTOR

BIOTECHNOLOGY PROGRAM OFFICE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

YUNG MAGSASAKA.IQUQUOTE KO LANG ANG SINABIG NG PHILIPPINE SEED INDUSTRY ASSOCIATION. YOU CAN ONLY FOOL THE FARMER ONCE. IBIG SABIHIN KUNG AKO AY ISANG NAGBEBENTA NG BUTO, ITANIM MO ITO MAGANDA ITO. HINDI KA TATAMAAN NG SAKIT, LALAKI ANG ANI MO.  NUNG ITINANIM NA NA REALIZE MO NA PALPAK. BIBILI KA PA? HINDI NA. WALANG MAGTATANIM KUNG HINDI SIYA KIKITA NITO EH.

AYON SA AMING PAGSUSURI GANITO. MAHAL ANG BUTO PERO KUNG DOON SA LUGAR MO MARAMING PESTE AT MAGTATANIM KA NG MAIS, FOR SURE, MAGSPRAY KA NG INSECTICIDE. HINDI KA NA MAGSPRAY.

ISA SA MGA DINADAING NG MAGSASAKA AY ANG MAGBUNOT NG DAMO. EH PWEDE SIYANG GUMAMIT NG ASAROL UPANG MATANGGAL. MERON PA SIYANG LABOR NG MAGBUBUNOT. ISANG EKTRYA ANG TANIMAN MO, GAANO KATAGAL YUN. SO ANO ANG GUSTO MO, MAGSPRAY KA PA, O MAGBUNGKAL PA MORE.

I HAVE TO QUOTE THE PHILIPPINE SEED INDUSTRY ASSOCIATION. YOU CAN ONLY FOOL THE FARMER ONCE. WHICH MEANS THAT IF I SELL YOU THIS SEED TELLING YOU THAT THIS SEED IS GOOD, YOU WILL NOT BE AFFECTED BY PESTS, YOUR YIELD WILL INCREASE. BUT WHEN YOU ACTUALLY PLANTED IT AND YOU REALIZED THAT IT FAILED, THE FARMER WON’T BUY THESE SEEDS AGAIN.

ACCORING TO OUR STUDIES, THE SEEDS ARE EXPENSIVE. BUT IF YOUR FARM IS INFESTED WITH PESTS, YOU WILL STILL SPRAY INSECTICIDE. WITH THIS NEW TECHNOLOGY, YOU CAN STOP SPRAYING TOXIC INSECTICIDES.

ONE OF THE FARMERS’ PLIGHT ARE THE WEEDS. HE CAN USE A BOLO TO REMOVE SEEDS. OR YOU CAN EMLOY SOMEONE TO DO IT FOR YOU. WHAT IF YOUR FARM IS MORE THAN ONE HECTARE? HOW LONG WOULD IT TAKE? SO WHAT DO YOU WANT? MORE SPRAYING? OR MORE MANUALLY CULTIVATE?

RUBEN VO

ISA SA MGA SINASABING MATUTUGUNAN NG BIOTEK CROPS AY ANG NAKA-AMBANG PROBLEMA SA FOOD SECURITY O SEGURIDAD SA PAGKAIN SA BUONG MUNDO.

ONE OF THE PROBLEMS THAT WILL BE SOLVED BY BIOTECH CROPS IS THE FOOD SECURITY OF THE WORLD.

ONCAM INTERVIEW

DR. VIVENCIO “CHOY” MAMARIL

DIRECTOR

BIOTECHNOLOGY PROGRAM OFFICE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

FIXED ANG MUNDO. PERO ANG TAO SA LOOB NG MUNDO DUMARAMI. SO IBIG SABIHIN, KUNG DUMADAMI ANG TAO, LAKIHAN MO ANG TANIMAN, PWEDE NAMAN. PERO KUNG DARATING NGA ANG PANAHON NA DI MO NA KAYANIN, KAILANGAN MO NG URI NG PANANIM NA MAS MATAAS ANG ANI MO. KASI YUNG TINATANIMAN NATIN DI NA NAGBABAGO YUNG SUKAT NIYA EH.

THE WORLD IS FIXED. BUT THE POPULATION IS INCREASING. IF THE POPULATION IS INCRESING, WE CAN JUST INCREASE THE SPACE FOR PLANTATION. BUT WHAT IF THE TIME WILL COME THAT WE WILL RUN OUT OF SPACE? WE WILL BE NEEDING NEW VARITIES OF PLANTS THAT YIELDS MORE. BECAUSE THE SPACE WHERE WE CAN PLANT DOES NOT INCRESES.

ONCAM INTERVIEW

DR. CESAR QUICOY

ASSOCIATE PROFESSOR

COLLEGE OF ECONOMICS AND MANAGEMENT

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES – LOS BANOS

SO MAGKAROON MAN NG PEACE OF MIND ANG MGA TAO NA HINDI SILA MAGUGUTOM.  I THINK WITH MORE PRODUCTION, MORE FOOD, AND WITH MATAAS NA PRODUCTION, BABABA ANG PRESYO. ACTUALLY IT IS CATERING TO THE POOR.

 

WE WILL ALL HAVE PEACE OF MIND THAT WE WILL NOT BE HUNGRY. WITH MORE PRODUCTION, MORE FOOD, THE PRICES WILL DROP. ACTUALLY IT IS CATERING TO THE POOR.

ONCAM INTERVIEW

DR. RHODORA “OLAH” ALDEMITA

SENIOR PROGRAM OFFICER

INTERNATIONAL SERVICE FOR THE ACQUISITION OF AGRI-BIOTCH APPLICATIONS

MANIWALA SA SCIENCE KASI LAHAT YAN IS BASED IN SCIENCE AND IT’S ALL FOR THE BENEFITS NG ATING MAMAMAYAN SA PILIPINAS.

LET US BELIEVE IN SCIENCE BECAUSE ALL OF THESE ARE BASED IN SCIENCE. AND THIS IS FOR THE BENEFIT OF OUR COUNTRY.

ONCAM INTERVIEW

DR. VIVENCIO “CHOY” MAMARIL

DIRECTOR

BIOTECHNOLOGY PROGRAM OFFICE

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

ITO ANG SANGAY NG AGHAM NA KAPAKIPAKINABANG KUNG GAGAMITIN NG TAMA. LAHAT TAYO MAKIKINABANG.

THIS IS A BRANCH OF SCIENCE THAT IS REALLY BENEFICIAL IF WE USE IT PROPERLY. WE WILL ALL BE BENEFITING FROM THIS.

 

  1. EXTRO SPIELS

TRANSCRIBED AUDIO

TRANSLATED AUDIO

RUBEN VO

DI PA TAPOS ANG ATING PAGTUKLAS SA KASAGANAANG HATID NG BIOTECHNOLOGY SA ATING PAG-AAGRIKULTURA.

DAHIL MAGPATULOY PA RIN ANG ATING TALAKAYAN SA IBA PANG ASPETO NITO SA SUSUNOD NA MGA LINGGO!

KAYA WAG NA WAG PA RIN PO KAYONG MAWAWALA AT SABAY-SABAY PA RIN PO TAYONG MATUTO, MATUWA, AT KUMITA SA AGRIKULTURA. AGRI TAYO DITO!

 

WE ARE NOT YET DONE IN DISCOVERING THE ABUNDANCE BROUGHT BY BIOTECHNOLOGY IN OUR AGRICULTURE SECTOR.

WE WILL DISCUSS ANOTHER ESSENTAILS TOPIC NEXT WEEK!

NEVER LEAVE US BEHIND AND TOGETHER LET’S LEARN, ENJOY AND EARN IN AGRICULTURE. AGRI TAYO DITO!

 

  1. PROGRAM LOGO

 

END OF BODY 4

 

END OF PROGRAM

Designed and developed by WebFocus Solutions, Inc. and hosted by Servobox | The icons used in this website are Designed by Freepik